Kahapon, nasa date kami ng girlfriend ko nang may lumapit sa amin at binibentahan kami ng beauty products. Syempre hindi ako bumili kasi pambabae yun. Interesado ang girlfriend ko sa beauty products na 'yon.
Yung nagbebenta ang galing mag-salestalk at mangonsensya. Kesyo kailangang-kailangan daw nyang makabenta ng produkto nya para may pang-aral sya. Ay sus! Sa sobrang uso ng style na 'yon, naumay ako.
Kilala ko yung girlfriend ko --- madaling makonsensya. Madaling maawa. Langya. Kaya ang ginawa ko, sa halip na sabihin sa salesperson na, Tingnan mo nga 'yang mukha mo! 'Yan ba ang pinagmamalaki mong nagawa ng beauty products na 'yan sayo? Gusto mong maging ganyan mukha ng girlfriend ko?, inabutan ko sya ng five hundred at hinatak paalis yung girlfriend ko.
"Ano ka ba naman?" sabi nya. "Ang bastos ng ginawa mo doon."
Hala? Nabastusan pa pala sya dun? "Gusto mo yung beauty products nya?"
"Oo sana."
"Gusto mo syang maging kamukha?" Hindi naman sa panglalait, pero tadtad ng acne ang naglalangis na mukha nung salesperson kanina. Kanina ko pa gustong tumawa, pero pinigilan ko kasi baka masampal ako nitong irog ko.
Simangot. "Hindi 'yon! Kailangan nya ng tulong. Bibili na sana ako."
"Hayaan mo na sya. Binigyan ko na sya ng pera. Solb na yun."
Oh sya, ang pinupunto ko lang naman, kung magbebenta ka ng beauty products, siguraduhin mong maganda ka at makinis ang mukha para ma-engganyo ang customer na bumili. Sa kaso nung salesperson na yun, ay naknangtiting. Ayoko na magtype pa. Baka ano pang masabi kong masama. Magkaroon pa ako ng slot sa impyerno. Wahehe!