A relative of mine requested na magsulat ako ng ideal love story nya para sa kanya. Nagbigay sya ng idea sa akin na dapat nilalaman ng story, and the rest ako na ang nag-type.
Nakakabagot mag-type ng love story. Puro pag-uusap lang and all that. Pero na-inspire ako sa story ng relative kong iyon, kaya heto, a very, very long short story para sa kanya. Kung isa-summarize, kayang ikwento ang story na ito in 3 minutes. Pero kasi I'd like you all to have a feel of what my relative feels noong kinukwento nya sa akin ang [ideal] love story nya.
I'll leave it up to you kung aling part ng story ang totoo, at yung gawa-gawa ko lang. :DDD
Note: Names are changed for confidentiality.
Another note: Secret ko na kung sino sa dalawang characters ang relative ko.
Nakakabagot mag-type ng love story. Puro pag-uusap lang and all that. Pero na-inspire ako sa story ng relative kong iyon, kaya heto, a very, very long short story para sa kanya. Kung isa-summarize, kayang ikwento ang story na ito in 3 minutes. Pero kasi I'd like you all to have a feel of what my relative feels noong kinukwento nya sa akin ang [ideal] love story nya.
I'll leave it up to you kung aling part ng story ang totoo, at yung gawa-gawa ko lang. :DDD
Note: Names are changed for confidentiality.
Another note: Secret ko na kung sino sa dalawang characters ang relative ko.
Seems Like We Never Started (c) by Peanut Tie
Nakatingin sya sa reception desk ng company na iyon. Nakaupo kasi doon ang isang babaeng naka-corporate attire at inaasikaso ang mga nag-iinquire na tao.
"Sir, may kailangan po ba kayo?" tanong ng isang janitor. "Kanina pa po kayo may tinitingnan sa reception."
"Anong pangalan ng babaeng 'yon?" tanong naman ng lalaking kanina pa nakatingin sa reception desk.
"Interesado po kayo sa kanya? Sya ho si Miss Jilian Silvano. Ang ganda ho nyan. Mabait, tapos palangiti. Kaso wala pang boyfriend."
Napakurap ang lalaki. "Talaga? Bakit naman?"
"Ewan ko sir. Pero nakikipag-date naman po sya. Naka-date ko na nga ho sya eh."
Kaya lumapit na yung lalaki sa reception desk. Nginitian sya agad ng babae. "Yes Sir may I help you?"
"Wala naman."
"Excuse me?"
"I mean, wala kang maitutulong."
"Sige Sir. Now if you will excuse yourself, may nakapila kasi sa likod mo na mas may kailangan ng tulong ko."
"Tomorrow, 6pm, meet me sa Red Ribbon sa Quezon Avenue."
"For what, Sir?"
"For a friendly date."
"Date agad? Ngayon mo pa lang ako nakikita?"
"Oo, date agad." Tapos naglakad na paalis ang lalaki.
*Thirty minutes past 6pm, dumating si Jilian sa Red Ribbon. Nakaupo yung lalaking nag-aya sa kanya sa date na ito malapit sa entrance, kaya daglian nya itong nakita.
"You're late," sabi ng lalaki. Nakabihis sya ng checkered green polo at pantalon. Naka-crew cut ang buhok.
"Pasensya na," reply ni Jilian at umupo sya katapat ng lalaki. Naka-corporate attire pa rin sya. "Busy lang magpaganda." With this, the guy chuckles. "What's your name nga pala?"
"I'm Samuel," matipid na tugon nito.
"Ah, Samuel!" Napangiti si Jilian. "May kapangalan ka."
"Talaga? Sino naman?"
"Si Charles! Oo, tama. Kapangalan mo si Charles!"
Napatawa nang malakas si Samuel, kaya saglit napatingin sa table nila ang ibang customers ng Red Ribbon.
Idinagdag ni Jilian, "Syempre, si Samuel kapangalan mo! Ano ba? Common sense naman."
"You have a sense of humor."
"And I'm Jilian."
"I know."
She blinks. "Pa'no mo nalaman?"
"Syempre, nakakabit pa name tag mo oh. Common sense naman."
Pagkakita ni Jilian sa name tag nya, she giggles. "Nice, gumaganti. So why did you ask me out on this date?"
"Gusto lang kitang makausap. By the way, anong gusto mong orderin?"
"Ah, 'wag na."
"Bakit naman?"
"Mag-uusap lang naman tayo eh. Hindi naman magtatagal yun 'di ba?"
"This is a date. Magtatagal tayo ng pag-uusap."
"Ah, uhm. . . I'm on a diet eh."
"My treat."
"Talaga? Sinabi mo 'yan ha!"
"Oh? I thought you were on a diet."
"I changed my mind. Libre mo naman yung cake eh."
He smirks. "Mapagsamantala ka ah."
"Hindi ah. Oportunista lang."
Nag-order sila ng tig-isang slice ng Black Forest at tig-isang baso ng kape. Tinikman agad ni Jilian ang Black Forest. "Mmm. . . ang sarap talaga nito! Ngayon lang ulit ako nakakain nito."
Samuel chuckles. "Sino nga pala yung Samuel na kapangalan ko?"
"Bakit mas interesado kang makilala sya kaysa sa akin? Crush mo sya 'no? Aiyee! Ikaw ha."
"Hindi. Gusto ko lang maintindihan kung bakit bigla kang napangiti nung malaman mo na Samuel ang pangalan ko."
Natahimik si Jilian pero nakangiti pa rin.
"Uy, ayos ka lang? Bakit nagba-blush ka?"
"H-hindi ah!"
"So sino nga si Samuel?"
"Secret lang natin ito ha pero. . . high school crush ko sya."
"Ahh. Gwapo ba sya?"
"Hindi."
"Hindi?"
"Hindi sya gwapo. Panget sya. He's tall and dark, but not handsome. Pero hindi naman sya saksakan ng panget. Panget lang talaga sya. Buti ka pa nga gwapo eh."
"Paano mo sya naging crush? Panget pala sya."
"Uhm, kasi gusto ko yung personality nya."
"Nalaman ba nyang crush mo sya?"
Halatang nahihiya si Jilian. "Oo, nalaman nya. Pinaalam ko sa kanya. Kaso mali lang yung way ng pag-amin ko sa kanya. Sa Friendster ko inaming crush ko sya. Dapat siguro sa personal ko na lang sinabi."
"What happened next?"
"Hindi nya ako kinausap, lalo na nung malaman ng buong klase na crush ko sya. Hindi ko alam kung paano nila nalaman, pero lalong nailang sa akin si Samuel nung inaasar na kami."
"Sinubukan mo ba syang lapitan?"
"Gusto ko sana, pero natatakot ako. Isa pa, babae ako. Bakit ako gagawa ng first move? Basta naipaalam ko na sa kanyang crush ko sya. Aba, dapat magpasalamat pa sya na sa panget nyang iyon may nagka-crush pa sa kanya."
"What did you feel about that?"
"Nailang din ako sa kanya."
"Tapos?"
"Ayun, buong high school hindi ko na sya nakausap ulit. Nakakalungkot, lalo na nung 'di ko na sya naging kaklase noong third year and fourth year. Pero bago mangyari lahat ng delubyong yun, nakakausap ko pa naman sya. Inaasar nya ako. Napapatawa ako sa corny jokes nya. At saka hindi pa awkward ang lahat. Nami-miss ko ang lahat ng iyon. Sana talaga hindi ko sinabing crush ko sya."
"Nagsisisi ka na sinabi mo sa kanya na crush mo sya?"
"Oo." Lumamlam ang ngiti ni Jilian. "Kung 'di ko siguro ginawa iyon, baka kinakausap pa nya ako hanggang ngayon. Ako kasi itong si Miss Tangengot eh. Nakakainis. Ang bobo ko talaga."
"Hindi naman kasalanan yung masabi mo sa kanya na crush mo sya. Don't blame yourself."
"Gano'n? Pero bakit pakiramdam ko ginawan ko sya ng kasalanang walang kapatawaran?"
"Past is past. Bakit hindi ka maka-move on?"
"Ikaw kasi inungkat mo pa 'yang Samuel na 'yan. Past is past na nga pala. Oh sige, we'll move on to a different topic."
"No. Kwentuhan mo pa ako about Samuel."
Jilian chuckles. "Sabi na nga ba crush mo sya eh."
*Naubos na nila pareho ang cakes nila, pero hindi pa rin nauubusan ng kwento si Jilian tungkol sa high school crush nyang si Samuel. Panay ang tawa ng Samuel na ka-date ni Jilian sa stories about kay Samuel-the-high-school-crush.
"Hindi ko makakalimutan yung scene na ito," enthusiastic na pagku-kwento ni Jilian, "sa classroom. Bumabagyo no'n at pumapasok yung ulan sa mga bintana. Kaya inutusan ni Ma'am si Samuel na isara yung mga bintana kasi nililipad na yung mga papel ni Ma'am. So tumayo si Samuel para isara yung mga bintana. Tapos may isa akong kaklase na humirit ng, 'Ma'am, 'wag po si Samuel pasarhan nyo ng bintana! Baka tangayin sya ng bagyo.' Syempre tawanan buong klase. Masyado kasing payat si Samuel. Buto't balat sya, kulang na lang lumipad na."
Tumawa si Samuel. "Parang saranggola?"
"Oo! Ayun! Hahaha. Hindi ko alam kung bakit ang payat-payat-payat-payat nya. Mayaman naman sya. Dapat may sapat syang sustansya sa katawan. Ay, baka gutom sya --- sa pagmamahal ko! Kinulang sya ng pagmamahal ko kaya malnourish ang labas nya."
"Hahaha, nakakatawa ka talaga!"
Ngumiti lang si Jilian.
"Sa papaanong paraan mo sya naaalala?" tanong ni Samuel.
"Kapag may nakikita akong tall and dark and payat na guy na nakatalikod, parang kamukha ni Samuel. Kapag nasa bus ako, hinihiling ko na sana makasabay ko sya. Kaso hindi naman nangyari iyon. Minsan nagre-rehearse ako mentally sa kung anong gagawin ko kapag nagkasabayan nga kami ni Samuel sa bus. Baka hindi nya ako makilala kasi gumanda na ako. Haha, ang corny ko 'no?"
"Nope. I like your corny-ness."
"Naks, may term na palang corny-ness ngayon!"
"Did you love him."
"A-ano?"
"I said, did you love Samuel?"
"Yes. I mean no. Ambot!" Lalong nag-blush si Jilian. "Hindi ko alam. Siguro oo, siguro hindi. Pero siguro rin oo, baka nga minahal ko sya from the distance. Siguro rin hindi, kasi sinubukan ko syang kalimutan pero. . . hindi keri eh. Ewan ba. Lakas ng impact nya sa buhay ko."
"I see."
"Ikaw naman magkwento oh! About yourself. Puro si Samuel lang yung pinag-usapan natin kanina. Napupurga na ako sa kanya. Hay!"
"May gusto akong itanong. Anong apelido ni Samuel?"
"Barubal."
"Barubal?"
"Oo, sya si Samuel Barubal."
"Nakakatawa naman apelido nya."
"Oo naman. Barubal naman talaga yun eh. Dali, magkwento ka na!"
"I'm Samuel. Noong high school may nagka-crush sa akin. Gaya ng Samuel na kinukwento mo, nag-confess din sa akin yung girl through a social networking site. Hindi ako nailang sa kanya, pero sya nailang sa akin. Noong malaman kong may nagkaka-crush sa akin, natuwa talaga ako no'n. Pero hindi na nya ako kinausap no'n. Gustung-gusto ko syang lapitan, pero baka mailang lang sya lalo. Alam na rin kasi ng buong klase na may crush sya sa akin."
"Hahaha, kawawang babae. Pa'no nalaman ng klase na may crush sya sayo?"
"Sa diary nya."
"Ganun? Bakit, naging tanga ba sya masyado para i-publicize ang diary nya? At saka ang corny. Nagda-diary pa sya."
"Nung kasing second year high school kami, ni-require kami ng English teacher na magsulat ng diary. Chini-check nya yun. Pero may isa akong kaklaseng pakelamera at kinalkal sa bag yung diary nung may crush sa akin. Siguro may isang entry dun about sa crush-thingy, at iyon ang ipinagkalat nung pakelamera."
"Ay, nakakahiya naman 'yon!"
"Oo nakakahiya. Kaya nga buong high school nag-alangan akong lapitan yung girl kasi alam kong aasarin lang sya. Iyon pa naman, kapag masyadong nahiya, napapaiyak. Ayokong umiiyak sya."
"Ahh. So itong girl na ito, crush mo rin?"
"Oo."
"Ah, sweet! Sayang, 'di mo sya nilapitan."
"Oo, at pinagsisisihan ko iyon. . . hanggang ngayon." Naging grave ang expression ni Samuel sa mukha, sabay titig nang matagal kay Jilian.
"Uy, bakit ganyan ka makatingin? May dumi ba sa mukha ko?"
"Pinagsisisihan kong hindi ko sya kinausap. Pinagsisisihan kong hindi ko nasabi na. . . gusto ko rin sya."
Nagulat si Jilian kasi biglang hinawakan ni Samuel ang mga kamay nya, sabay pisil sa mga ito. Tahimik lang si Jilian habang nagsimulang magkwento si Samuel.
♫ When I get to Quezon Avenue
Meet me by the entrance of the tube
We can talk things over a little time
Promise me you won't step out of line ♫
"Mayroon akong natitirang remembrance mula sa kanya," pagpapatuloy ni Samuel, "yung tiglilimampisong singsing na isinuot nya sa akin. Noon kasing Foundation Day noong second year pa lang kami, napagtripan kami ng buong klase at isinali kami sa kasal-kasalan booth ng mga fourth year. Nakasal kami ng girl doon. May marriage contract pa ngang pinapirma sa amin eh. Nasa akin pareho."
♫ When I get to Quezon Avenue
Please drop the past and be true
Don't think we're okay just because I'm here
You hurt me bad but I won't shed a tear ♫
"May panget na ugali yung girl. Na-turn off ako dahil sa ugali nyang iyon, pero saglit lang iyon. Nakikita kong mabuti naman syang tao. Yun nga lang hindi marunong ng tamang pag-eexpress ng nararamdaman. Lahat, idinadaan electronically. Isip bata."
♫ I'm leaving you for the last time, baby
You think you're loving but you don't love me
I've been confused, out of my mind lately
You think you're loving but I want to be free
Baby you've hurt me ♫
"Pero alam ko sa sarili ko. . . gusto ko sya. Mahal ko sya. Mahal na mahal. Gusto kong patabain nya ako sa pagmamahal nya. Yun yung sustansya na kulang sa akin, kaya ang payat-payat-payat-payat ko noon. Kung bakit kasi hindi ako naglakas-loob na kausapin sya, eh ako itong lalaki. Ako dapat ang gumawa ng first move. Kaso naduwag ako. Noong prom namin nung third year, nakita kong lumapit sya pero hindi ko sya pinansin. Inisip ko na baka mapahiya lang sya kapag isinayaw ko sya. Baka mapaiyak lang yun sa pang-aasar sa kanya. Kaya ayun, hindi ko sya isinayaw."
♫ When I get to Quezon Avenue
We'll spend an hour, but no more than two
Our only chance to speak once more
I showed you the answers, now here's the door ♫
Sa buong pagsasalitang iyon ni Samuel, nakatingin lang si Jilian sa mga kamay nya na pinipisil-pisil ng lalaki.
"Jilian Silvano, ako ito. Ako si Samuel, yung high school crush mo. Isa pa, hindi Barubal apelido ko. Lupit mo naman. Barcibal apelido ko, hindi Barubal."
Napatingin si Jilian sa kanya, puno ng lungkot ang mga mata.
♫ When I get to Quezon Avenue
I'll tell you baby that we're through ♫
"Nagbago ako ng ayos, pero ako pa rin ito. Ako pa ring yung Samuel Barubal este, Barcibal na crush mo. Noong makita kita sa reception desk, kumalabog ang puso ko. Hanggang ngayon, ikaw pa lang ang nagpapakabog ng puso ko nang ganito."
♫ I'm leaving you for the last time, baby
You think you're loving but you don't love me
I've been confused, out of my mind lately
You think you're loving but you don't love me
I want to be free, baby, you've hurt me ♫
"Pero hindi ako nag-alangang lapitan ka at ayaing makipag-date sa 'kin. Sabi kasi nung janitor nakikipag-date ka raw. Nagbaka-sakali lang ako. Kahit hindi mo pa alam nun ang pangalan ko, sumipot ka pa rin. Tuwang-tuwa talaga ako no'n, lalo na nung makita ko na nagbago ka na. Naging madaldal ka na, at nagkaroon na ng sense of humor."
♫ All the days spent together, I wished for better
But I didn't want the train to come
Now it's departed, I'm broken-hearted
Seems like we never started ♫
"Uy, Jilian? Magsalita ka naman. Hindi ka ba masaya na nagkaharap na ulit tayo. . . na sa wakas, nasabi na rin natin sa isa't isa ang dapat noon pa man nasabi na natin?"
Walang ka-imik-imik na pinagmasdan ni Jilian ang itsura ni Samuel. Kumpara noon, mas mataba na ang lalaki. Halata ang matipuno nyang pangangatawan sa suot nya. Dark pa rin ang complexion, pero mas makinis na ang balat nya.
Ibang-iba. . . ibang-iba sa Samuel na nakagisnan ni Jilian noon.
♫ All those days spent together when I wished for better
And I didn't want the train to come! ♫
Tumulo ang mga luha ni Jilian. Napatayo si Samuel, kumuha ng tissue, at tinangkang punasan ang luha ng babae pero tumayo rin ito para bawiin ang mga kamay mula sa lalaki. Tumalikod si Jilian.
"Jilian, wait!" Nahawakan ni Samuel ang kamay ng babae at iniharap ito sa kanya. Sagana ang daloy ng luha ng babae. "Is it too late? Is it too late for the both of us? Please Jilian sumagot ka. I thought that this day would never come but, here you are. Can we give each other a chance. . . please?" May pagsusumamo sa boses ng lalaki.
♫ You think you're loving but you don't love me
I want to be free, baby, you hurt me ♫
Pero humikbi lang lalo si Jilian. Sa halip na sumagot, muli nyang binawi ang kamay mula kay Samuel sabay takbo palabas ng Red Ribbon.
♫ You don't love me, I want to be free
Baby, you've hurt me ♫