Break time.
Lima kami no'n sa mesa. Nagkukwentuhan ang mga katropa kong lalaki at may kasama pang tawa. Ako, nakikinig sa kanila. Hindi kasi ako yung klase ng tao na mahilig sumabad. Parang mas trip kong makinig kaysa magkwento.
Maya-maya, isa sa kanila nagsabing, "Si Peanut hindi nawawalan ng ngiti sa mukha."
Ngumiti lang ako at hindi nag-comment.
"Oo nga eh," sabad ng isa. "Sarap burahin."
At doon na kami napatawa lahat. Sarap daw burahin ng ngiti ko! Langya.
Kaya sinabi ko, "Sige dre, tangkain mong burahin ang ngiti ko. Tingnan natin kung gugustuhin mo pang makita ako na hindi nakangiti."
"Ito naman dre biro lang!"
Idinagdag ng isa, "Nakita ka na namin na hindi nakangiti. Nakakakilabot kaya."
Nagmove on na ang topic at nakangiti pa rin ako.