Kanina habang nasa firing practice ako kung saan dalawampung metro ang layo ko sa dummy na syang aasintahin ko ng bala, nag-play sa utak ko ang awiting ito:
♫ One day, isang araw
I saw, nakakita
One bird, isang ibon
Flying, lumilipad.
I shoot, binaril ko
I picked, pinulot ko
I cooked, niluto ko
I ate, kinain ko! ♫
Ito ang awiting naalala kong tinuturo ng aking guro noong elementarya with matching actions pa. Buong klase namamangha na kasali sa awiting ito ang parehong salin sa English at Filipino.
Hindi ko alam kung anong pamagat ng awit, pero pamamagatan ko itong One Day. Pwede ring Isang Araw, kaso nakakatamad. Parang noong mga bata pa tayo, kapag tinatanong tayo kung ano ang pambansang awit ng Pilipinas, ang pinaka-notorious na sagot ay Bayang Magiliw. Umamin! Guily ka rin, 'no?
Siguro kung ang unang verse ng pambansang awit ay:
♫ Lupang Hinirang
Duyan ka ng magiting
Sa manlulupig
'Di ka pasisiil ♫
Saka pa susunod ang:
♫ Bayang magiliw
Perlas ng Silanganan
Alab ng puso
Sa dibdib mo'y buhay ♫
, hindi siguro tayo (bilang mga "bata") malilito sa kung ano talaga ang pamagat ng pambansang awit.
Gayunpaman, wala itong kinalaman sa One Day. Gusto ko lang isingit at nang humaba ang blog entry na ito. *evil laugh*
Balik sa One Day. . .
Oh, ha? Saan ka pa makaririnig ng awiting naglalaman ng parehong salin sa magkaibang wika?
Can you please cite an example? Come on, share na!
Kaya tuloy noong bigla kong maalala ang awiting ito, itinutok ko sa taas ang baril ko at inasinta ang bala sa isang brown na maya (hindi ko alam kung maya rin bang matatawag ang brown na ibon na common sa mga lungsod). Pero may transparent bullet proof na bubong nga pala ang firing house, kaya doon tumama ang bala. Buti hindi nag-bounce back ang bala kundi. . . yari! Lumubog lang ito sa bubong.
Pero syempre, pinagbayad ako sa damage. Haha, okay lang. Masyado kasi akong na-carried away nung One Day.
Hay, memories. :DDD