Kinuwento mo lang sa akin ito, at ngayon muli kong ikukwento para sa kapakinabangan mo at ng iba pang mambabasa nito.
Gabi nun, mga 7pm. Inimbitahan ka ng katropa mo na mag-ghost hunting sa isang building ng university kung saan ka nag-aaral. Inuna ninyong puntahan ang third floor. Patay na ang mga ilaw doon, at naka-lock na ang mga classroom.
Madilim talaga, pero unti-unti ring nasanay ang mga mata ninyo sa dilim.
"Oy!" sita mo sa katropa noong makitang may hawak syang cell phone. "Wala namang ganyanan! Bawal cell phone o kung anumang light-emitting objects."
"Ito naman. Tumitingin lang sa oras eh." Ibinulsa nya ang cell phone. "Ikaw parang hindi ka nakasuot ng glow-in-the-dark na relo ah."
After ng maikling pambabara at pagtatalo sa isa't isa, nilakbay ninyo ang corridor ng third floor. Tahimik na tahimik doon maliban sa inyong mga yabag.
"Oh ano?" sabi mo. "Pwede na ba tayo umalis? 'Pag nahuli tayo ng sekyu dito, sasakalin kita."
"Teka lang! Atras agad? Haha. Alam mo ba yung tungkol sa sixth floor?"
"Bukod sa parte iyon ng building na ito, ano pa ba?"
"Kapag daw mga 7pm na, laging iniiwanang bukas ang ilaw ng classroom na nasa dulong corridor nung sixth floor."
"Teka, yun yung classroom ko sa isang subject nung first sem! Ano meron dun?"
"Kasi kapag pinatay daw yung ilaw, kinabukasan magulo na yung mga chair sa classroom."
"Baka naman magulo na talaga yung mga upuan sa una pa lang. O baka sinasabotahe nung mga mapagreklamong janitor."
"Hindi ah! Kahit mapagreklamo ang mga yun, inaayos naman nila trabaho nila. Yun nga lang hindi na nila pinapatay yung ilaw doon kasi nga nagugulo yung mga upuan."
Kahit hindi mo mapagkonekta ang relasyon ng pagpatay ng ilaw sa pagkakagulo ng chair sa classroom na tinutukoy ng tropa mo, napa-"Okay," ka na lang.
"Tara, puntahan natin."
"Okay."
Hindi pa kayo nakakahakbang eh biglang nagtatatakbo palayo yung katropa mo.
Syempre iniisip mo, Sus, tinatakot lang ako nito! Akala nya siguro magpapauto ako. Ha!
Naaninag mo yung katropa mo sa tuktok ng hagdan pababa ng second floor. Nilapitan mo sya. "Hoy bakla ka. Bakit bigla kang tumakbo? Akala ko ba matapang ka?"
"Eh kasi ano. . ." May pag-aalala sa boses nya. "Ikukuwento ko sayo sa baba!"
Hindi ka na nakaprotesta pa noong bigla ka nyang hinablot sa isang braso sabay hila sayo pababa ng hagdan at palabas ng building hanggang makarating kayo sa court. Bukas pa naman ang mga ilaw doon.
"Oh, bakit ka nga ba tumakbo?" tanong mo.
Tapos ikinuwento nya kung paanong pagkasabing-pagkasabi nya ng, "Tara, puntahan natin," ay parang may kamay na humawak sa kanang parte ng leeg nya.
"Parang warning na sa atin iyon na 'wag nang tumuloy," sabi nya. Bakas sa mukha nya ang sobrang kaba.
Kinilabutan ka doon pero sinabi mo lang, "Okay."
Kinabukasan kinuwento mo sa akin ang pangyayaring iyon. Sa akin mo na-express yung hindi mo na-express sa kaibigan kung gaano ka kinilabutan sa nangyari. Kupal ka talaga. Classroom ko rin yun noong first sem eh. Gagu. Kung mabasa mo man 'to, mabuti. Kung hindi mo man mabasa, mas mabuti.