Baling
(c) ni Peanut Tie
Gaano ba ako pahihirapan
Ng sugat na 'di maibsan-ibsan?
Kung ako ma'y naging makasalanan
Bakit ganito ang kaparusahan?
Hindi ko gustong maging masama
O sa ganoo'ng impluwensya mapasama
Ang mundo'y naging napakalupit
Kaya sa pandaraya ako napakapit.
Sila ang nagkasala, ngunit bakit sa akin ang dalamhati
Sa akin ang pagkabigo, sa akin ang pagkasawi?
Ang mundo sa aki'y lubos ang pagkamuhi
Dahil sa gawa na minsan ko lang ginawi.
Pangungulila sa dati kong buhay. . .
Pagkapanglaw, kaysakit pala, aray!
Kung sila ay sa sitwasyon ko mararatay
Eh 'di sana matagal na silang patay.
Isang simpleng tula na ginawa ko para sa mga taong napakapit sa patalim na nalilito pa rin kung tama/mali ba ang kanilang nagawa. . . Hindi nila alam kung sinong sisisihin, pero iniisip pa rin nila na hindi nila 'deserve' na makarma. Hay. . .