Ito agad ang bulalas ko pagkabasa sa pamagat ng librong binabasa ng ‘insan ko. Inagaw ko ‘to sa kanya at alangan pa ‘kong buksan ‘tong librong may maitim na pabalat. Mamaya niyan may-sa demonyo pala ‘to at makulam pa ‘ko. Kaya bago ko ‘to buklatin, humawak muna ako ng rosaryo, just in case. Mahigit sampung taon na rin ang lumilipas mula nang una ko ‘tong nabasa, kaya heto na…
Ang pagbabalik-tanaw sa Ang Paboritong Libro ni Hudas by Bob Ong.
Ang pagbabalik-tanaw sa Ang Paboritong Libro ni Hudas by Bob Ong.