Pamilyar ka ba sa pamahiin na kapag pa-graduate na ang mga estupidyante este estudyante, e malapit sila sa disgrasya?
Itong pamahiin ang pundasyon ng horror story na ito ni Penguin20: Ang Camp Trip.
Ang tanong: sasama ka ba?
Itong pamahiin ang pundasyon ng horror story na ito ni Penguin20: Ang Camp Trip.
Ang tanong: sasama ka ba?
Tungkol sa 14 na graduating classmates na nagkaayaan sa isang outing - camp trip. Kahit na may puna ako sa narration at basic technicalities, aba’y nagustuhan ko ang ideya ng istoryang ito.
‘Yong thrill? ‘Yong mauulol ka sa kung ano ba talagang nangyayari at sinong paniniwalaan? Nandito sa istoryang ito ‘yon e. Tingin ko’y natagpuan ko na ang forte ni ginoong Penguin20: ang ululin ang readers.
Panimulang bungad e ang chill. Pinakita ang interaction ng magkakaklase sa isa’t isa. Katorse sila kaya ‘di ko matandaan silang lahat. Basta ang chill lang ng pacing ng kwento hanggang maligaw sila sa isang liblib na lugar at inabutan ng ulan kaya nanatili muna sila sa bus. Kinatok sila ng isang taga-roon at pinakilala sa Barangay Idaho. Doon na nagsimula ang katakut-takot na hatol sa katorseng dayo, kung sino sa kanila ang mabubuhay at mamamatay.
May elementong “urban legend” ang istorya, at tampok dito ang dalawang hukom: sina Lydia at Rico. Isa sa kanila ang pumapatay, habang ang isa nama’y nagliligtas. Sino sa kanila ang magdidikta sa kahihinatnan ng magkakaklase?
“Things are not what they seem.”
Ganito ang mauusal mo sa pagbabasa nitong Camp Trip. Swak na swak ang mga twist, tipong kada liko ng isang character sa unknown corner e plot twist na agad. Talagang napakapit ako sa aking matipunong chest habang nauulol sa grand plot twist nitong istorya. Sakto lang ang mga linyang binibitawan ng mga karakter para ma-enhance ‘yong creepy atmosphere.
Nanghinayang lang ako sa istoryang ito sa isang bagay: ang book cover! Ang hype na ng ideya, ng daloy ng kwento, pero ang plain ng book cover.
Kung papalaring pakinggan ng poging author, magsa-suggest ako ng book cover kung saan ipapakita ang masayang classmates lulan ng isang bus. As in masaya, ‘yong tipong mapagkakamalang chill ang istorya. Ta’s dagdagan ng pang-horror effects (siguro faded na blood stains) para maka-hook ng curiosity. Tipong: “Ba’t may ganito sa cover?” Ta’s habang binabasa iyon ng reader, aba’y madadala siya sa kababalaghang nangyayari!
Rating: ★★★★ out of ★★★★★
4/5 rating nito.
Rekomendadong basahin ng mga pagraduate na para ‘di kayo grumaduate at sapitin niyo ang nangyari sa katorseng estudyante. Wahehe! Kapayapaan!
Ika'y sumama na sa Camp Trip!
KILALANIN!
Si Reynald Hernandez also popularly known as Penguin20 ng Wattpad at ang kanyang social media channels.