Ito agad ang bulalas ko pagkabasa sa pamagat ng librong binabasa ng ‘insan ko. Inagaw ko ‘to sa kanya at alangan pa ‘kong buksan ‘tong librong may maitim na pabalat. Mamaya niyan may-sa demonyo pala ‘to at makulam pa ‘ko. Kaya bago ko ‘to buklatin, humawak muna ako ng rosaryo, just in case. Mahigit sampung taon na rin ang lumilipas mula nang una ko ‘tong nabasa, kaya heto na…
Ang pagbabalik-tanaw sa Ang Paboritong Libro ni Hudas by Bob Ong.

Noong kabataan ko, madalang mo ‘kong mapagbabasa ng libro. Kaya laking hatak ng pamagat nitong librong itim para imulat ako sa mundo ng literatura. I mean, ‘di ka ba maiintriga kung ano nga ‘tong paboritong libro ni Hudas at ba’t n’ya ‘to paborito? Lalo na’t sa unang pahina, pa-krus ang layout sa mga letra ng pamagat. Noong makita nga ng nanay ko ‘to, eh, pinagbintangan n’ya akong nagbabasa ng mga aral ng isang kulto, sabay dasal ng sampung Ama Namin sa ‘kin.
Purong itim ang pabalat ng libro, walang synopsis o anumang pasintabi kung tungkol saan ‘to. Pambungad na karakter sina < ' > at <. - - .>. Namatay si < ' > at pinaliwanag sa kanya ni <. - - .> ang mga nagbago buhat nang namatay siya. Hanggang ngayon palaisipan sa akin kung anong ibig sabihin ng symbols na ‘to, kung anong klaseng emoticon sila o ano.
Noong taong binabasa ko ‘to, 2004 o 2005 ‘ata, aba’y napapanahon! Isa ‘tong satire at social commentary sa lipunan ng Pilipinas. Mga palagay na nadidiskurso ko lang sa mga kainuman, pero itong librong itim, e comprehensive sa pagsasama-sama ng mga iyon. Samahan mo pa ng conversational style ng pagsulat ni Bob Ong na waring kausap n’ya ang bumabasa nito. Solid na tatamaan ang masasapul! Maya’t maya rin siyang may punchline. Aba’y nakakita rin ako ng librong eengganyo sa ‘kin!

Bakit nga ba Hudas?
Sa Bible, siya ang trumaydor kay Jesus.
Sa librong itim, anagram ng deadly sins ang kada chapter ng libro: VENY, GERAN, DEPIR, VENTOCOSEUSS, TULS, GYNOTTUL, HOLTS na kino-close sa pag-uusap nina < ' > at <. - - .>. Ang plot dito ay ang build up sa mga tanong ni < ' >. Tipong kada may masasagot na tanong, e panibagong tanong na naman, uma-advance nga lang. Kumbaga, kada akto ng tao lalo na kapag masama, palaging may dahilan na “good” pero not necessarily “right”… pero still good.
Dito ko nakitang maigi sa POV ni Bob Ong na nagli-lean na ang tao sa “extreme” rationalization. Kaya siguro Hudas, dahil mismong tao ang tumatraydor sa sarili n’yang essence bilang human being (Naks, philosophy!). Tinatraydor n’ya ang mismong kakayahan n’yang mag-isip at gumawa nang mabuti at tama. Mismong tao ang Hudas.

Nakaaaliw ang anecdotes ni Bob Ong sa librong ‘to. Mga kapalpakan n’ya, ng ibang tao, at ng lipunan. Naka-relate ako sa kanya, solid, lalo na sa general info, kutob ko’y magkahenerasyon kami. Mga paksang pagtatalunan n’yo ‘pag nalalasing na.
Technicality-wise, typographical error-free ‘to. Malinis. Gan’tong book quality sana naililimbag lagi.
Fast forward to 2018. May iilang general realities sa librong itim ang nananatiling pareho mula nang mailimbag ‘to noong 2003. Kung magsusulat pa kaya si Bob Ong ng pangalawang paboritong libro ni Hudas ngayong 2018, tungkol saan na kaya ‘to?
5/5 stars ang rating ko rito. Unang-una uniqueness. Then engagement. Finally, realization. A hanep takeaway quote from the book:

< ' > Ba't ka tumatawa?
< . - - . > Tingnan mo naman magdasal... humihiling na panalunin ko sila sa basketball game.
< ' > O, ano namang masama do'n?
< . - - . > 'Yun din ang hinihiling ng kalaban nilang team e!
< . - - . > Ngiyahahahaha!
< ' > Hahahahaha!
(Page 19)
KILALANIN!
Si Bob Ong sa kanyang munting interview courtesy of PhilStar
Filipino author. The 100% pure Official Bob Ong social media accounts below. Just click on the pictures to redirect:

#wattyreview #wattyAngPaboritongLibroNiHudas #review #papatie #papatiereviews #peanuttiereviews #AngPaboritongLibroNiHudas #bobong #ABNKKBSNPLAko #Alamat ng Gubat #StainlessLongganisa #Macarthur #KapitanSino #AngMgaKaibiganNiMamaSusan #LumayoKaNgaSaAkin #Si #56 #BakitBaliktadMagbasaNgLibroAngMgaPilipino