Tuwing isang-daan at labing-isang taon, ipinapanganak ang Dayanghirang, ang pinakamalakas na Babaylan. Dumating na muli ang Mutya ng Liwanag at Dilim, ang susi sa pagkaligtas at pagkagunaw ng sangkatauhan!
Kayo ba’y hindi nagtatakang sa dami ng mga kwentong mitolohiya, e puro Norse, Greek, o Roman ang mga ito? At sa Wattpad na fantasy stories, puro schools of magic, o mga bampira, o mga lobo ito?
Paano ang Philippine mythology na noo’y nababasa ko lang sa komiks?
Kaya hindi ako makapaniwalang nakahukay ako ng natatanging ginto sa Wattpad sa patnugot ni Ginoong Lawrence (@lawrence087770) --- ang kan'yang Babaylan Duology.
Ang mahiwagang mundo ng mga makapangyarihang Lakan at Lakambining nagpapahiram ng kapangyarihan sa kanilang ka-kasunduan.
Parating na ang katuparan sa napagkasunduan…
Ihanda ang daanan ng dayanghirang…
Ang pangako ng mga babaylan ay maisasakatuparan…
Lakan at Lakambini, magbigay-galang!
Kayo ba’y hindi nagtatakang sa dami ng mga kwentong mitolohiya, e puro Norse, Greek, o Roman ang mga ito? At sa Wattpad na fantasy stories, puro schools of magic, o mga bampira, o mga lobo ito?
Paano ang Philippine mythology na noo’y nababasa ko lang sa komiks?
Kaya hindi ako makapaniwalang nakahukay ako ng natatanging ginto sa Wattpad sa patnugot ni Ginoong Lawrence (@lawrence087770) --- ang kan'yang Babaylan Duology.
Ang mahiwagang mundo ng mga makapangyarihang Lakan at Lakambining nagpapahiram ng kapangyarihan sa kanilang ka-kasunduan.
Parating na ang katuparan sa napagkasunduan…
Ihanda ang daanan ng dayanghirang…
Ang pangako ng mga babaylan ay maisasakatuparan…
Lakan at Lakambini, magbigay-galang!
Dayanghirang ang pamagat nitong obra. Pamagat pa lang, alam na nating sa “the Chosen One” sesentro ang kwento. Direkta sa punto ang pabalat --- itim na araw na may walong tatsulok na nakapalibot dito bilang simbulo ng sinag. Ang araw ay pinagmumulan ng liwanag, ngunit kulay itim ito sa pabalat ng Dayanghirang; at nangangahulugang dilim ang itim. Ang kabalitunaang ito ang isa sa tema ng Dayanghirang 'pagkat siya’y tinuturing na Mutya ng Liwanag ng iilan, at Mutya ng Dilim ng karamihan.
Gaya ng tono ng rebyu kong ito, halos purong Tagalog ang paglalahad sa Dayanghirang na muntik ko nang ikalunod noong una dahil ang lalim. Iyon pala’y ang pagsisid sa mundo ng mga Babaylan ay parang pagkatutong lumangoy --- huminahon ka, damhin mo ang tubig at hayaan ang katawan mong masanay dito. Hindi nakakailang ang pagkaka-Tagalog ng kwento. Kung may Ingles man na salita, e naka-italic ang mga ito.
Mga tauhan? Naku, malulula ka sa dami nila. Pangunahing tauhan si Haliya (Maria Haliya Esmelar) dahil siya ang Dayanghirang. Katuwang n’ya ang Lakan ng Kawalan at Kawakasan, si Sidapa. Sa kanyang paglalakbay, kasama n’ya ang sidekicks n’yang sina Venus Capricio (isang Pintados) at Rosendo. Magiging katuwang n’ya rin ang iba pang mga lakan at lakambini na hinugot ni Ginoong Lawrence sa Philippine mythologies.
Tumatak sa akin ang karakter ni Lilagretha Indrapura, ang Rani (Reyna) ng Minolo. Taglay n'ya ang kapangyarihan ni Kidu upang mapanatili ang kurtinang kidlat ng Minolo pangharang sa masasamang nilalang. Ang lakas ng karakter ng reynang ito. Diktador na nasa katwiran. Ah, basahin mo na lamang :DDD
Bukod dito, maraming iba’t ibang mga nilalang at alamat ang pinakilala sa akin ng patnugot. Grabeng pananaliksik ang ginawa ni Ginoong Lawrence sa mga ito. Hindi lang sila basta isinalpak sa kwento, kung 'di nagbigay din sila ng saysay at kulay sa paglalakbay ng Dayanghirang. Kada lakan at lakambini e may interesanteng back stories. Kahit siya ang itinakda, hindi naging madali kay Haliyang kuhanin ang loob ng mga ito. Binigyang hustisya ng Ginoong Patnugot ang mga tauhan at daloy ng kwento. Dito ko nakita kung gaano siya ka-dedikadong likhain ang mundo ng Babaylan. Mga ganitong kwento dapat ang ipinalalabas ala-George R.R. Martin at pinapalit sa fantaserye ng GMA 7.
Inirerekomenda ko ang obrang ito sa mahilig sa fantasy stories at kakaibang nilalang.
Payo ko lang kapag babasahin ninyo ang Dayanghirang, mag-notes kayo dahil mababalik-balikan n’yo ito ‘pag naliligaw na kayo sa kwento.
May ikalawang libro na ang Dayanghirang na 2015 pa huling na-update :( Nawa’y maituloy na ‘to ng author dahil kaabang-abang talaga ito.
Rating: ★★★★★ out of ★★★★★
5/5 dahil obra maestra ito ng modernong panahon.
...nakawala sa usok si Iya. Dahan-dahang lumapat ang kanyang paa sa sahig at unti-unting minulat ang kanyang mga mata. Kapansin-pansin na magkaiba na ang kulay ng mga mata ni Iya; naging kulay ginto ang kanyang kanang mata. Sinambit niya ang pangalan na binulong sa kanya ng binata kanina.
"Sidapa," banggit ni Iya, sabay tingin sa kaulapang tumakip sa buwan.
Nalusaw ang kaulapang tumakip sa liwanag ng buwan. Nagmistulang hagdan pababa ng kalangitan ang ilaw nito. May bumabang nilalang na galing sa taas ng mga ulap. Mabilis siyang lumipad pababa patungo sa tahanan ni Anastacio. Binato niya ang kadenang nakapulupot sa kanyang kamay na binutas ang bubong ng bahay. Lumusoy siya sa daanang kanyang ginawa. Yumanig ang sahig noong hinatak niya pabalik sa kanyang kamay ang kadenang bumaon sa tahanan.
"Lakambini ng Pag-ibig at Walang Pag-iimbot… Sa aking sandata iyong ipahintulot… Kapangyarihang iwaksi ang masamang elemento, ito ang tanging mithi ng aking puso! Halina, Dian Masalanta!"
"Lakan ng nagwawalang bugso ng damdamin… Umihip sa aking samo ang hanging walang-hanggan… Ialay sa aking palad ang kapangyarihan! Halina, Galura!"
Interesado ka na?
Mababasa mo ang Dayanghirang DITO
KILALANIN!
Ang natataning patnugot na si Ginoong Lawrence.
#wattpad #lawrence087770 #WattpadDayanghirang #Dayanghirang #DayanghirangByLawrence #wattyreview #bookreview #papatie #papatiereviews #peanuttiereviews