Mahirap ibaon sa limot ang lihim lalo na kung galing ito sa ibang tao, nakakakonsensya ito, at madaldal kang tao. Siguro kung sariling lihim, madali pang mabaon sa limot. Kailangan mo lang mag-ingat sa iyong paglalakad at baka makaapak ka ng balat ng saging. Kahit sinong taong madaldal, nananahimik din kapag may pinakatatagu-tagong lihim sa sarili.
Ngunit, gaya nga ng kahit anong ibinabaon, gaano man kalalim ang pagkakahukay sa libingan nito, naroon pa rin ang iyong ibinaon. Tinakpan mo lang ng patung-patong na 'pagkakaabalahan' upang hindi makaahon mula sa hukay.
Kung madaldal kang tao at natuklasan mo ang lihim ng iba, mahihirapan kang maibaon iyon sa limot. Kaya ang gagawin mo, sa halip na ma-'torture' ka ng iyong makating dila, iba-blackmail mo ang taong iyon na isisiwalat mo ang kanyang lihim kapag hindi nya sinunod ang gusto mo. Magpapauto naman sya, at ito ngayon ang sasamantalahin mo.
Ngunit walang lihim na permanenteng naibabaon sa limot.
Sa kaso ng taong bina-'blackmail' mo, marahil naging tanga ka at hindi nabantayan na may balat pala ng saging sa daan. Ikaw na ginawan nya ng maraming pabor, ikaw na may hawak sa lihim nya, ikaw ring nagkanulo sa kanya sa huli.
Sa kaso mo naman, siguro masyado kang naging kampante na hindi ka ilalaglag ng sarili mong dila kaya hindi mo namalayan na may ibang tao na pala ang nagsisimulang humukay sa lihim na sinigurado mo namang nabaon sa pagkalalim-lalim na limot.
Ang lihim dapat ibinabaon sa limot, pero hindi maiiwasan na nasisiwalat din ito sa huli.