Guilty ako rito. Nakaka-stress din naman kasi na puro aral-trabaho-bangon-higa-kain-tulog-lakwatsa na lang ang routine ng buhay ko. May pagka-kalog din ako 'no, alam nyo ba?
Syempre kumakanta din ako sa banyo. Mga babae lang ba ang pwedeng gumawa nun? Hahaha. Mahilig ako sa heavy metal, punk and rock songs. Kung mapag-tripan, pwede din sa akin ang r&b.
Ginagawa ko lang yun kapag nag-iisa sa bahay.
Naku, kapag kasi nandjan ang mga kapatid kong babae, aasarin akong, "BAKLA!" Ayt! Kung hindi lang bata ang mga yun, napatulan ko na sana sila.
Kapag kasi sa apartment ako magwawala, mabubulabog ang mga kalapit sa kwarto! Ay, magagalit sila. Nakakapag-isa ako sa bahay kapag nasa ibang lugar ang parents at nasa labas naglalaro ang mga kapatid. Tuwing dayoffs ko ito. (Minsan nga walang dayoff ei. :D)
Masaya. Masayang mag-feeling isa sa mga gwapong singers sa One Direction. Madalas nga feel kong ako si Zayn Malik. Ayt! Haha, pambagets 'no. Kukuha lang ako ng tambo at gagawin iyong parang gitara, tapos bibirit ng, "Woh-woh-ow sweet child of mine!" kahit hindi naman talaga kanta ng OD ang Sweet Child of Mine. :DDD
Or kung kasama ko si gf sa bahay, kakantahan ko sya ng, "When I'm feeling blue all I have to do is take a look at you, then I'm not so blue," with matching giling pa na pang-macho dancer.
One word: Lewlz. Wala lang. Ang saya lang maglagalag. Hindi ako ganito noong kabataan ko pa, kaya tuloy kahit medjo may edad na ei naging isip-bata naman. Ang mga kabataan ngayon ang hirap habulin! Laki kaya ng effort ko para lang magtunog-bagets sa blog na ito.
Sige, hanggang dito na lamang!
-Papa Tie
*picture from http://deviantartsecret.deviantart.com/